Wipe out olds… Young bloods get in!

March 22, 2007 : Thursday

Wipe out olds… Young bloods get in!

 

 

Kristine Tyrol Rosales

Beterano, eksperyansado, matagal ng namumuhay sa mundo… mga katangiang ipinagmamalaki ng mga matatandang pulitiko. Pinagmamalaki? E mga tarantado pala sila eh. They must be DREAMIN! Siguro complement ang mga to sa iilan sa kanila. As in iilan ha? Pero ito ay isang malaking insulto sa siyamnapu’t siyam na porsyento ng kanilang uri. Sa mga matatandang opisyales na pabalik-balik sa pulitika ng lipunan.

 

            Beterano? Talaga! Beteranong manggantso, mangurakot at magnakaw sa kaban ng bayan. Beterano kung papaanong itago ang kabahuan ng katauhan. Beterano kung papaanong tumanggap ng suhol at magpakasasa sa kayamanang hindi naman sa kanila.

 

            Eksperyensado? Sus, oo. Mga taong alam kung paano maglaro at lalo pang dumihan ang pulitikang kinagisnan. Mga eksperyensado sa pambobola at pagpapaikot sa mga botante lalung- lalo na sa panahon ng halalan. Eksperyensado kung papaanong manipulahin ang nasasakupan. Pumatay na para bang naglalaro lang o di kaya’y magyabang sa kapangyarihan na animo’y nalimutan o sadya talagang kinalimutan o wala rin yatang alam sa nasusulat sa konstitusyon ‘na ang kanilang kapangyarihan ay nanggaling sa tao at nakasalalay sa tao’.

 

            Sila ang mga taong matagal ng namumuhay sa mundo at “higit na nakakaalam kung ano ano ang  makabubuti para sa bayan”. Kaya pala lugmok pa rin tayo sa kahirapan. Kaya pala hindi magawang ipaglaban ang maliliit dahil may utang na loob sa mga negosyanteng nagpopondo sa kanilang pangangampanya. Kaya pala hindi sila seryoso sa problema ng lipunan ay dahil hindi nila naranasang magdildil ng asin, maholdap sa kalye, ma-rape ang anak, tumira sa barung-barong o di kaya’y langhapin ang usok ng  tambutso makapanlimos  ng kakaunting barya matugunan lamang ang kumakalam na sikmura.

 

            Siguro nga, they deserve a round of applause or maybe mag-piyesta para sa kanilang ‘kagalingan’.

 

           

            Ilan na ba ang matatandang pulitiko sa gobyerno? Sampu? Bente? Singkwenta? O baka naman isandaan? Hindi lang! Sila’y parang mga itim na buhok sa ating mga ulo at ang mga uban ang mga batang pulitiko.

 

            Matagal na silang namumugad  sa sistema pero hanggang ngayon walang maipakitang solusyon o kahit man lang magic powers  para maiahon sa kinalugmukang putik at makaligo ng malinis na tubig ang walumpung porsyento sa atin at disenteng mamuhay.

 

            Sa nakikita ko, para lang silang mga mayayabang na palamuti sa munisipyo, kongreso, o maging sa palasyo na nagmamagaling at nagmamarunong at taas noong ipinamumukha na sila ang pinakamagaling sa lahat at tanging sila lamang!

 

            Ngunit kung maisasampal lamang sa kanila ang katotohanang may iilan sa kanila, yaong mga tinatawag na uban na siyang palaban, bukas ang isip at silang talagang gumagawa.

 

            Oo. ang mga sariwa at mga batang pulitiko na minsa’y minimaliit ang kakayahan. Mga batang pulitiko na may paninidigan at hindi nagpapadala sa ‘utang na loob’. Mga batang pulitiko na ang pagsisilbi sa bayan ang tanging inuuna. Mga batang pulitiko na hindi pa tumatanda sa upuan ng kapangyarihan at may sigasig na ibangon ang bansa sa pagkakadapa.

 

            Aminin na natin ang katotohanang sila ang makabago , mga hindi konserbatibo at mas may alam sa mundo at naiintindihan ang kalagayan ng kanilang lipunan at sistema.

 

            Marapat na sila ang mga nasa posisyon at kung maaari lang sana… kung pwede lang, palayasin na ang mga uugod- ugod sa pamahalaan.

 

“While you are still young, full of dreams and ambitions,

While you are still young, owing no one

While you are still young, still infant of grimy politics,

Let yourself involve in the system at pamahalaan ang lipunan mo!”

Kristine Rosales

4 Comments »

  1. katigbak,karla elaine Said:

    Ang ganda ng article mo katie! Sumasang-ayon ako sa mga sinab mo. kung magaling pala sila at batikan na sa larangan ng pulitika Eh, bakit hanggang ngayon ganito pa rin ang Pilipinas? sana nga ngayong eleksyon mapalitan na sila baka sakaling may mabago pa.

  2. Irene Santos Said:

    I’m for wisdom of the old but the creativity and energy of the youth. Remember the old folks are yesterday’s youth….

  3. Ansem Said:

    wat the hell ………..

    beterano mas maganda para masaya

  4. Ansem Said:

    illogikal yan at


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: