Jueteng Bilang Prostitusyon

March 5, 2007 : Monday 

Jueteng Bilang Prostitusyon

Kristine Joie Salazar

 

Alam mo ba ang ibig-sabihin ng salitang ‘prostitusyon’? Alam mo bang maaari nating ihalintulad ito sa salitang ‘Jueteng’? Prostitusyon at Jueteng, mga ilegal na gawain na may proteksyon mula sa mga taong nakatago ang mga mukha sa kabilang mukha pa ng mga salitang ito.

 

Kung isa kang lalake, hindi ba’t nakakahalina ang mga babaeng gumigiling-giling sa saliw ng mga tugtugin sa loob ng mga bar tuwing gabi? Inaaliw ang bawat manonood at kung sino pang dapat aliwin sa ilalim ng mga patay-sinding ilaw. May iba’t ibang mga kulay pa. Hanggang sa dahan dahang ibinababa ang pipiranggot na lamang nilang kasuotan. Sa konting halaga, at sa konting panahon na ilalagi ng isang lalake sa loob ng bar ay maliligayahan na siya. Sino nga ba namang lalake ang hindi tatanggi kung nandiyan na ang tukso? Prostitusyon nga naman talaga… nakakahalina na…nakakaaliw pa.

 

Sa paglalakad mo sa Cubao, tuwing gabi, hindi maiiwasang may mga babaeng lalapit sa iyo at magtatanong kung nais mong makaranas ng isang maligayang gabi. Bakit nga ba hindi kung sila na mismo ang lumalapit sa iyo? Kita mo nga naman, palay na ang lumalapit sa manok! Konting halaga, isang ‘di malilimutang gabi na…

 

Ganyan din ang Jueteng. Sa konting halaga, malaki na ang tyansa mong manalo. Pero sa dami ng mga tumataya, palagay mo kaya mananalo ka? Bakit nga ba hindi, masarap tumaya… masarap mangarap… masarap umasang mananalo ka… at masarap magtatalon kapag nalaman mong nanalo ka!?

 

Kasama mo si Juan, si Pedro, si Sisa, si Ah, si Eh, si Eeh, si Oh, at kung sinu-sino pa… tataya kayo ng Jueteng. Masaya yun! Pero hindi lang pala kayo ang tumaya, may isang daang libo pala kayo sa lugar ninyo…at isama pa ang iba pang tataya galing sa iba’t ibang lugar…waaaaaaaah! Ang dami niyo na! Sabihin pang papiso piso lamang ang taya, isipin mo, sa sampung tao, sampung piso na kaagad ang nasa kamay ng mga panginoon… at pinagsama sama pa ang napakaraming tumaya. At magkano ang premyong hinihintay? Tumataginting na limanlibong piso sa bawat bola!!! ang galing! Ang laki ng kita nila!!!

 

BATA: (habang nakikibasa sa tinatayp ko.) Teka po, ‘di ba bawal ang jueteng? Bakit nandyan pa rin? At patagong minamanipula ng mga itinuturing mga panginoon?oooops! At mga may-katungkulan pa ‘ata sa gubyerno? Ano po? (aba’t tumatawa pa!)

 

AKO: kasi bata… aba’t ikaw na kaya ang magsalita! Kasi alam mo ba ang kasabihang ‘masarap ang bawal’!? Ha? Kung hindi, ‘wag kang magulo ha? Pauwiin kita eh…WAAAAAAAAHH!!! ‘di pa nga ako tapos sa ipinapaliwanag ko, may tanong ka na agad… steady ka lang dyan…

 

BATA: oh, hige… pero bakit ‘di na lang kasi gawing k’wan yun…

 

AKO: aaaaaaaahhh!!!! tumahimik ka!!! suspense ito… (tapos, tumahimik na ang bata…lokong yun…pinahirapan ako!…MEDIC!!!nosebleed ang mga tanong…parang hindi one-year old?!)

 

Sagot sa tanong ng batang one-year old, bakit nga ba may Jueteng pa? Eh kasi, marami pang tumatangkilik sa Jueteng at gayun na rin ang prostitusyon. Hindi man natin aminin sa mga sarili natin, kahit kailan ay hindi tayo makakawala sa tanikala ng mga salitang ito. Ang bawat letra na bumubuo sa bawat salita ay makapangyarihang tulad ng mga taong nasa likod nila.

 

Bakit ko nga ba nasabing maaring ihalintulad ang dalawang salita? Sa isang mercado, ang mga mamimili ay pumipili ng kanilang mga bibilhin at mga produktong kanilang kailangan. At sa mercado ng prostitusyon, maarami man itong mukha, iisa pa rin ang pangunahing ibinibigay nito sa kanyang mamimili, ang panandaliang aliw o kaligayahan. Mapa-jueteng pa ito o pagbebenta ng laman, iisa pa rin ang kanilang tawag. Parang musika na may kanikaniyang genre. At sa bawat genre ay may nahuhumaling o tumatangkilik sa kanila sabihin pa ng nakararaming ito’y bawal. Malaki ang kita sa bawat pag-ikot ng bola o paggiling ng isang babae sa ilalim ng patay-sinding ilaw… hindi lamang daan.. hindi lamang libo… higit pa roon. Ngunit nakatago pa rin sila sa likod ng bawat letrang kumakatawan sa kanila.

 

Sa ganitong pagtingin, marami ang siyang tumatangkilik at hindi mabitaw-bitawan ang mga ito, bakit hindi na lamang ito gawing isang paraan upang pambayad ng panlabas na utang ng bansa? Paano? Sa pagle-legalize nito mula sa bansag nitong ilegal. Kung magkagayon, ang bawat kinikita ng isang prostitute o ng isang panginoon ay maibabahagi sa gubyerno at sa mamamayan at hindi lamang kanilang mga bulsa ang makikinabang. Ang bawat sentimong matatanggap ng gubyerno mula rito aysiyang pandagdag bayad ng utang nating panlabas. Parehong ang gubyerno at ang prostitusyon ang siyang makikinabang sa panukalang ito; hindi na hahabulin ang mga panginoon at gayun na rin ang mga prostitute ng mga itinuturing nilang kalaban… At kung paano? Itanong mo sa batang nakakakita ng lahat…

 

 

9 Comments »

  1. katigbak,karla elaine Said:

    Paano maalis ang illegal kung pinapasundan… sinasabi na ang sugal daw ay kalimitan at ordinaryo na lang sa mga pinoy kaya naman sige pabayaan na lang.. ganun ba yun? kung nakikinabang at nasasayahan naman ang tumataya at kumikita naman ang nagpapataya bakit hindi? ganitong mga dahilan kaya hindi mapigilan ang isang illegal na bagay dahil sa hinahayaan.

  2. jay-r lumbo Said:

    jueteng, talamak yan lalo na sa lugar namin..

    alam yun ni karla..

    para sa akin maraming nakikinabang sa illegal na jueteng

    ang tumataya, ang kubrador, ang nagbobola, ang pinuno, ang mga konsehal(i know), ang mga opisyal ng munisipyo, green boys, at kung sino sino pa..

    hay hindi na talaga mapipigilan ang kasong yan

  3. Shui Said:

    Sugal?Marami sa amin dun..Ganyan na taltaga ang pinoy.Mahilig sa sugal…
    At bahagi na rin ito ng Buhay ng Pilopino

  4. Mae Ann Said:

    Sugal??..Part na ng buhay ng mga pilipino yan..
    Parang hindi kompleto ang buhay nila kung walang sugal..
    Dahil siguro minana lang natin ito noon.

  5. Shui Said:

    Hi uli!!…Ngayon, para sa akin..ang sugal ay talamak na dito..
    di lang sa pilipinas..
    Kundi sa buong mundo!!!!di ba?Kapit sa patalim kumbaga…di ba?

    Goodluck sa mga nagsusugal…
    Madakip na sana kayo!!!!Hekhekhek…

    Morning nga pala kina Mae ann,Angely,Julie Ann, Epay, tsaka..Dami nila…Di ko na malagay lahat…Basta Good morning nalang sa inyo…
    Ky Fernan(Palalabs).at si Bench

  6. shu Said:

    kkk

  7. hannah Said:

    cgur0 sumusul0ng ang kbAtAAn s pr0stitusyn spagkat i2 nlang ang s tngin nila ang s0lisy0n s khirapan ng buhay…..

  8. JAR Said:

    sA AKING pALAGAY anG pROStitusyon ay hindi na mapipigilansa pagalaganap dito sa bansa

  9. jay Said:

    gawin mang legal ang Jueteng, mananatili parin itong sugal.
    at sa pamantayang moral, hindi nararapat na tanggapin na lamang ng lipunan ang sugal. kahiya hiya! sugal na ginawang legal.
    napakaraming pamilya ang nasisira dahil sa sugal! sukdulang walang maipakain sa kanilang mga anak maka taya lamang.
    oo, nakatulong ito sa gobyerno kung gaawing legal. ngunit sa katotohanan, nakatulong lamang ito sa bulsa ng mga ganid na pulitiko!
    legal nga ang jueteng, nakakatulong nga sa gobyerno ito.
    ngunit maraming pamilya na ang wasak dahil dito.


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: