Kurapsyon sa Pilipinas

February 3, 2007 : Saturday 

Kurapsyon sa Pilipinas

Ma. Shiela H. Garcia
 
        Noong unang panahon pa lang ay may kurapsyon nang lumalaganap saan mang bahagi ng mundo. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang rin ang bansang Pilipinas.
        Ngunit bakit nga ba may kurapsyon sa Pilipinas?
        Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang kapangyarihan ang nagpapahirap sa pamahalaan sa magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa. Ang mga nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga stratehiya upang makapagnakaw sa “Kaban ng Bayan”. Ito ang dahilan kung ba’t di-mawala wala ang kurapsyon sa Pilipinas. Paano nga ba mawawala kung ang mismong mga namummuno sa bansa at ang siyang may mga matataas na katungkulan ang siyang nangunguna sa paggawa ng hindi maganda. Kadalasan pa nga ay nakikita lamang natin sila pag malapit na ang eleksyon at humihingi pa ng suporta sa mga taumbayan. Pero hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay pera ng pamahalaan ang ginagamit  para sa pangangampanya?
        Sa makatuwid ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga namumuno at sa mga taong may mga kapangyarihan. Ang isa pa sa mga sinasabing dahilan ng lumalalang kurapsyon sa ating bansa ay ang di- pagkakapantay ng mga mayayaman at mga mahihirap. Ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na patuloy na ibinababa ang sweldo ng mga manggawang Pilipino na lalung nagpapatindi sa problemang kinakaharap n gating bansa. Kung magbibigay lamang ng daan ang mga kapitalista tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa, mababawasan rin kahit paano ang kurapsyon sa ating bansa.
        Ang NAMFREL (National Citizens Movement for Free Elections), CER (Consortium for Electoral Reform), PCIIJ (Philippine Center for Investigative Journalism at AKBAYAN ay ilan lamang sa mga samahang may layunin na magkaroon ng reporma sa bansa at masolusyonan ang kurapsyon sa bansa. Nangangahulugan lamang na ang mga Pilipino ay mulat sa lumalalang problema ng bansa at naghahanap ng solusyon para dito.
        Kahit sino naman sa atin ay maaaring umasa na matapos na ang problemang ito sa ating bansa ngunit dapat talagang magsimula ang mga pagbabago sa mga namumuno sa bansa. Ang dapat gawin ng mga namumunong ito ay alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga umunlad ang ating bansa.

8 Comments »

  1. jay-r lumbo Said:

    The capital C-O-R-R-U-P-T-I-O-N
    kailan ba mawawala?

    (aray! masakit sa tenga tong pinapakinggan ko wait lang… yan…)

    sabi nga nila panahon pa daw ni voltes v at magma man eh uso na yan pero sabi din eh matagal na daw, noong unang panahoi pa daw.. sabi sa taas…^

    pero hindi nga… seryoso…

    bakit ganun? hindi ba nakukuntento ang mga “miners” sa kanilang kinikita? kailangan pa b talaga nilang gawin ang ganyang mga bagay?

    siguro dapat isipin muina nila ang mga taong dapat na pagsilbuhan nila bago yung kanilang sariling pleasure…

    dapat talaga sa kanila pinuputulan ng kamay (ayon sa ang paboritong libro ni hudas by: bob ong)

    pero pati sa ibang bansa ganun din.

    kagaya nung nasa koreanovela yung dalawang magkapatid na prinsipeng kurakot… (try mu panoorin maganda yun.. kasabay nga lang ng princess hours.. sayang noh?)

    parang yung mga greedy telecommunications din tsk tsk tsk..

    we are all living in a world full of corruption…

    a brillant article ms. shiela

  2. angel Said:

    ang corruption sa pilipinas ay di matitigil hangga may isang namumuno na puro katiwalian lamang ang alam.. , they are greed by power and money.. ,

  3. Ruel Said:

    In the Philippines, poverty and corruption go hand-in-hand. What had been a relatively prosperous nation in the region following World War II, has been economically and politically decimated. Since Marcos took the reigns of power, the wealth of the nation has been progressively siphoned off by corrupt leaders and their aristocratic cronies. This has been made possible by cosmetic economic and political state, tarted up by an American copycat institutional structure, and impregnated by a landed aristocracy.
    In broad terms, political corruption is the misuse by government officials of their governmental powers for illegitimate, usually secret, private gain. Misuse of government power for other purposes, like repression of political opponents and general police brutality, is not considered political corruption. Illegal acts by private persons or corporations not directly involved with the government is not considered political corruption either.
    All forms of government are susceptible to political corruption. Forms of corruption vary, but include bribery, extortion, cronyism, nepotism, patronage, graft, and embezzlement. While corruption may facilitate criminal enterprise such as drug trafficking, money laundering, and trafficking, it is not restricted to these organized crime activities. In some nations corruption is so common that it is expected when ordinary businesses or citizens interact with government officials. The end-point of political corruption is a kleptocracy, literally “rule by thieves”. (wekepedia.com)

  4. rheyhen Said:

    kakainis yang kurapsyon na yan kaya tuloy hindi umunlad unlad ang ating Inang bayan dahil sa kurapsyon dapat magkaroon ng pagbabago!!!!!

  5. kenneth villanueva Said:

    nakkasama ng loob ang mga ganyang usapin,, ngunit sa katagalan natatanggap n ito ng aking sikmura,,,kaw na araw-arw makarinig ng mga ganyang mga balita sa telibisyon at sa radyo…ang dapat kasi sa ating mga maliliit na tao muna mag simula ang pagbabago,,,,at ituro sa mga makabagong henerasyon ito,,, dapat ding baguhin ang batas pampulitika na maghihihgpit sa mg ataong kurap…ano pa b ang masisislayang yaman ng aking mga anak… pangit ng komment ko… hind pa kac ako hinug…

  6. Ronelle Said:

    …we, the foretold hope of our nation should make a move to alleviate this dilemma.

    We should not allow those politicians ruin our country since doing so is also destroying our mother land.

    Think my fellow youth!

  7. One of the oldest and most perplexing phenomenons in human society, political corruption
    Exist in every country in the contemporary world and it is not exclusively a problem of
    Developing countries.Poor peoples are very vulnerable to the corruption. Coruption increases the cost of public services, lowering their quality and often all together restricting poor people’s access to such essential services as water, health and education. But we students can also help as prevent corruption.
    But corruption can still prevented. Teach morality in homes and schools. That’s morality in the larger sense, the concept of right and wrong. Unfortunately there are many, especially those who gravitate toward politics, who do not understand the word. Power corrupts, ultimate power corrupts ultimately.

  8. I Highly admire, respect and appreciate those opinions and comments on the upper. I’am glad and hopefully that you will respect my opinions, too.

    Hindi naman lahat kailangan iasa sa Government, na lagi nating sinisisi dahil sa corruption na nagaganap. Ehh samantala tayong mga pilipino ay halos lahat ng tiwala binibigay natin sa kanila, katulad ng sinabi sa pangunang salita sa taas. “Na hinihirang natin sila bilang isang may mataas na katungkulan para mapuksa ang corruption at para bigyan tayo nang magandang kinabukasan” na para tulungan ka ehh pero sila pa ang sumisira sa buhay natin. It’s hard to accept the truth that we have had a corruption a long time ago up to present, despite truth and honesty will set us free, MASAKIT MAN. Think, don’t waste your time na gugulin mo ang sarili sa corruption nayan, Ang pagbabago ay nasa atin, wala sa kanila.

    Ang tanong sila lang ba talaga ang may kasalanan? sila nga lang ba ang dahilan kung bakit malala ang pilipinas dahil corruption? sila nga lang ba ang dapat na sisihin?

    Ang masakit na katotohanan AKO, IKAW, SILA, TAYONG LAHAT. OO kasali po tayo lahat sa corruption na nagaganap. Hindi lang yan ang problema ng isa, halos lahat na nag-uumapaw tayo sa kaibutaran ng ating kalooban na hindi natin alam na kasali tayo. Kasali tayo sa mga dapat sisihin (pati ako sama ko na sarili ko, para hindi unfair po).

    Matagal na po natin nilalabanan ang corruption, pero nilalabanan ba natin ang tama? Dami na nating ginawang napakaraming protesta (sa EDSA, sa mga kalsada, sa mga munisipyo, Mendiola, katabi ng school ko dati hahahah, at sa iba pa.) pero may nagbago ba? ganun pa din diba. Ehh bakit nga po ganun na pauli-ulit na may swapang at nanlalamang. Ehh kasi nga po PINAPABAYAAN NATIN SILA MAGING SWAPANG. Pinapabayaan natin na “LOKOHIN TAYO” at tayo naman walang ginawa kundi “mgreklamo” sa self natin. Ngunit ang totoo ay tinutulungan pa natin silang gag… tayo.

    Ang hirap maniwala po diba? maniwala po kayo, wag nyo man aminin ehh kasali po talaga tayo. Pano nga ba titigil ang corruption nayan kung tayo mismo kasali sa sistemang walang ka kwenta-kwenta.

    Pano nga po ba tayo naging parte ng gulo? pano nga ba tayo na sali sa gulo? pana nga ba? kasi madalas din tayong nakikinabang sa ganitong bulok na sistema. Pano nga ba? Ganto po yan.

    Kailangan ba talagang mag-abot ng “Lagay” sa nanghihingin pulis? kailangan ba talaga na suhulan? ehh diba po dapat pagnahuli iisuehan ng ticket. Ehh bakit may “Shake-hands (ano yun nagkakilala sa facebook, twitter, sa blog, multiply, etc…) para mag shake hands in personal. Obligation po ba natin na suhulan si mamang pulis? hindi naman po diba? ehh bakit ginagawa parin to? Ganun naba talaga ang “system” sa hulihan.

    Kelangan mo ba na ipaayos sa mga taga loob ang papeles mo para suhulan ng pera? “Money is the root of all kinds of evil” kelangan ba talagang manlamang sa mga taong nagtitiis ng init at gutom para makapila sa LTO para makukuha ng lisensya. Ganun napo ba talaga ang kalakaran, wala na kung ano-ano, ewan. Fill up lang ng papeles basta si “taga-loob na ang bahala” basta may “lagay” Ehh bakit hindi na lng maging ganito ang sistema natin kung ganon? Galit na galit tayo dahil nilalamangan tayo ng GOVERNMENT natin samantalang ito, nanlalamang din po tayo.*.*

    Bakit nga ba tayo nagbubulag-bulagan, tapos kinikimkim lang natin sa sarili natin ang nakikita nating mali? Bakit kapag ang promise na poso ni Mayor ay buwan na ang nakalipas hindi pa rin naayos, tapos magrereklamo lang tayo sa mga kapitbahay natin na “bakit wala pa yung poso, parang ta… naman tong si “Mayor” ganun ba ang life? kapag may hindi naayos na project kanya-kanya tayo reklamo sa, self natin? Kapag may nakikita tayong hindi tama ehh sa ka tsismisan lang sasabihin? Ehh di syempre natural magtutuloy tuloy yang mga maling gawain na nyan, walang umaapela ehh. Meron man, sa kanila kanila lang, hindi nakakarating na sa dapat tamang pagsabihan.

    Humanity:), neighbors and companions. Want it or not. we’re belong to the corruption. Ang simpleng panlalamang sa buwis, ang simpleng pagsakay sa mga “kolorum” na sasakyan, ang simpleng pag bili ng pirated na dvd’s lahat yan ay pagiging corrupt. Lahat yan ay panlalamang. Kung galit tayo sa gobyerno dahil corrupt sila, tignan muna natin yung mga sarili natin. Tanungin muna natin ang bawat isa. “Maghihintay lang ba tayo sa pagbabago na alam naman nating hindi darating dahil nakikinabang naman tayong lahat sa ganitong system?

    Hindi dadating ang pagbabago na yan kung hindi tayo magbabago. Magpapatuloy silang lokohin tayo dahil NAGPAPALOKO tayo. Magpapatuloy silang lamangan tayo dahil alam nilang WALA NAMAN TAYONG GINAGAWA bagkus ay PINABABAYAAN pa natin silang gawin sa atin ang mga bagay nato. PATULOY TAYONG LALAMUNIN NG SISTEMA DAHIL SINANAY NA NATIN ANG SARILI NATIN NA GANITO NA TALAGA ANG PAMUMUHAY SA PILIPINAS. Kung gusto natin magbago, magumpisa tayo sa sarili natin. Maging matigas tayo. Maghanap tayo ng isang bagay na magbibigay liwanag sa ating isipan. And thats God, the only one who can satisfy our need, our problem, challenges, and corruption even. Bakit ka pauuto sa mga pulis na yan. Ehh di mag paticket ka. Ticket lang yan. Wag po natin abutan ng money dahil lalong mamimihasa sila, maging matigas tayo, wag maging masyadong mabait sa kapwa, kung alam nating mali na bakit pa natin inaabuso. Be equal. Mayaman man o mahirap. Maykaya man o wala. Wag nating abusuhin ang sarili natin sa mali, “Sin can be a gateway to a greater SIN” Maging listo at wag maging BULAG sa mga pagkakamali ni GOVERNMENT. Ipagbigay alam natin sa mga TAMANG pinagkaka-ukulan at may takot sa Diyos kung may nakikita ka na problema. Tandaan natin na tayo ang nagluklok sa pwesto nayang mga officials na yan, buwis natin na galing sa pagod at pawis natin ang nagpapasahod sa kanila. Kaya nasa atin ang lahat ng karapatan para magtanong, makibalita (24 oras, oras-oras alam mo, interaksyon, etc…) at magmasid sa kung anu mang programa ng government ang pinatutupad o hindi. Wag na nating hintayin magbago ang government, unahan natin sila, parang finish paligsahan lang yan kung sino ang makarating sa finish line siya ang panalo. Diba nga sabi “Kung walang nagpapaloko, walang manloloko.”

    Thanks for reading this, I am hopefully encourage you for what I’ve said a while ago. I get those details from internet, blog, whatever. “ang pagbabago ay wala sa gobyerno na masyado nating pinagkatiwalaan” ang pagbabago ay mismo nasa sarili. Isa pa ang kalayaan ay nasa atin, kalayaan na magmasid at magtanong, kalayaan na kumain, magnakaw, gumawa ng masama, ano pa man, na gusto natin gawin sa kalayaan sa ating sarili. PERO hindi yan ang tunay na kalayaan, yan ay isang kalayaan para lang sa ating sarili, hindi para sa lahat kumbaga self-ambition walang patutunguhan. Ang tunay na KALAYAAN ay ang pagbabago sa sarili, hindi lang para sa pagpapayabong sa sarili kundi sa kapakanan ng lahat. “God said. first you must clean the inside and then the outside will be clean also”, kaya natin nasasabi na tayo malaya kasi walang pumipigil satin, ginagawa natin kung ano ang gusto natin. Pero alam mo ba talaga ang tunay na kalayaan? “You can’t never see those important things, unless you will find it” kasi nga natatakpan ang tunay na kalayaan ng masasamang ambisyon sa sarili.


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: