Ikaw at ako… tayo… Sama-sama sa Pagkilala sa Karapatan sa Piling ng Kawalan…

February 4, 2007 : Sunday 

Ikaw at ako… tayo… Sama-sama sa Pagkilala sa Karapatan sa Piling ng Kawalan…
 

Salome G. Saro
 
 
Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay pantay sa karangalan at mga karapatan.
And bawat tao ay karapat dapat sa lahat ng karapatan at kalayaan ng walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kuro-kuro at kalagayang pampulitika.
Ang bawat tao ay may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.
 
Lahat tayo ay pinagkalooban ng karapatang armas natin sa pakikipagbakbakan sa buhay.
Lahat tayo ay may pinanghahawakang karapatang magliligtas sa atin sa tiyak na kapahamakan.
 
Lahat tayo…
Tayo laban sa…
Sa madaling salita ikaw at ako…
 
Nais mong malaman ang katotohanan?
Tumingin ka sa iyong harapan…
Sa iyong kanan…
At sa iyong kaliwa…
Gusto mong makita ang iyong likuran?
Pwede kang tumalikod.
Bakit hindi mo subukang tumingala?
O kaya ay yumuko?
Huwag ka lang lumakad nang nakaganon…
Kundi…
Bukol ang abot mo.
 
Lahat ng nakita mo ay ikaw at ako…
Tayo…
Tayo ay iisa…
 
Hindi ba katanggap tanggap?
Ano?
Magpapatiwakal ka?
 
Huwag!
Mahal magpalibing ngayon!
 
Sayang!
Sayang!
 
Sayang ang lupa!
Maaari pa sana iyang mapakinabangan sa komersiyo…
At kung mataba naman..swak na swak sa agrikultura…
 
Ano ako sa iyong tingin?
Mukhang pera?
Naitanong mo na ba iyan sa iyong sarili?
 
Ang aking kasagutan…
H-I-N-D-I !
 
Sino ang hindi?
 
Ikaw na gustong mabuhay?
Umaasang sa paguwi mo ng iyong bahay…
May pagkain na sa hapag kainan upang isubo…
Kulang na lang ang siyang bubusugin?
 
Wala na ang libre sa panahon ngayon!
 
Bakit magagawa ka bang buhayin
Ng hangin?
Ng araw?
Ng buwan?
Ng apoy?
Ng tubig?
Ng mga bituin sa langit?
 
Ikaw na gustong makatulong sa iba?
Daig pa ang mga bayaning nahihimlay sa kanilang bato
At pininturahang puntod.
Uaamasang makukuha ang lahat sa tanging pagdarasal
Habang ang iba ay nagpapakapawis sa ilalim ng araw.
 
Nasubukan mo na bang tumingnin sa salamin?
Anong imahe ang iyong nakikita?
Maganda ba?
Swerte mo at pinagpala ka!
Hindi ba gaanong kaigaigaya?
Okey lang yan…
Mabait ka naman siguro!
Pwede na yun!
Wala ka rin na naming magagawa eh…
 
Pero sa tuwing ikaw ay humihithit ng sigarilyo…
Nagpapakalunod sa alak…
Nagpapaka-high sa droga…
Nagpapakagumon sa bisyo…
Unti unti mo ng hinaharap si kamatayan…
 
Kahit katanggap tanggap man o hindi ang iyong nakikita…
Alam mong ikaw iyan,
Ikaw at ang iyong paligid,
Ikaw at ako
Tayo
 
Nais mong umangal?
Eh di umangal ka!
 
Pumapalag ka na…
Magaling… magaling…
Magaling…
Ngayon nag iisip ka na!
 
Hindi nagpapatali!
Hindi na uso ang diktatorya!
Nabaon na si Marcos!
Lumaban ka!
 
Biniyayaan ka ng kalayaang mag-isip
Para sa may isip.
At para naman sa wala,
O wag kang malungkot…
May karapatan ka rin tol!
Ito ang sayo!
Karapatang di mag-isip!
Sinong makaani ng palay
Na walang binhi?
 
Aktibista?
Nangangalaga ng karapatan ng sambayanan?
Lumalaban sa di makataong pamumuno?
Nagsasalba ng kalayaang ipinagkakait?
Nagpapasingaw ng baho at bulok na sistemang umiiral sa lipunan?
Mabuhay ka!
Karapatan mong magpahayag!
Magreklamo kung nais mo!
Isigaw mo ang ipinaglalaban mo!
 
Idolo mo ba si Darna?
Hangad mong mag alay ng pampublikong serbisyo?
Hindi mo na kailangan pang magtungo sa kaharian ng Encantadia…
O sumisid sa mundo ng Atlantika…
Hindi mo na rin kakailanganin ng Majika.
Sapagkat may karapatan ka sa pantay na pagpasok
Sa paglilingkod bayan!
Maging ikaw ay nais makasungkit ng pwesto sa pamahalaan
O maging isang nagbibigay serbisyo panlipunan…
Maaari ka ring makapaglingkod ng walang pinanghahawakang titulo!
Gusto mong malaman kung paano?
Simple lang!
Hindi mo na kailangang mabansagang DON o DONYA…
Hindi mo na kailangang maging MS. UNIVERSE
O kaya ay mapabilang sa pinagkakaguluhang modelo ng FHM
Hindi mo na kailangang magkaHEPA sa ginto
Masuotan ng malakurtinang kasuotan
Hindi mo na kailangang pumunta ng parlor
Para magpa-facial, manicure, pedicure,
At kung anik anik na spang nauso mula ulo hanggang paa!
Isa lang ang dapat mong gawin!
Maging isang responsableng botante ka!
Higit ka pa sa bayaning inagnas na ng panahon!
Sosyal di ba!
 
Ikaw at ako,
Nais pakapamuhay ng maginhawa at matiwasay.
Hindi nagpapaailipin.
Hindi nagpapayurak.
Kinokondena ang kahit na anong anyo ng pangbubusabos.
Hindi magiging isang tau-tauhan
Hindi papakalakal.
Hindi nagpapabili.
Marunong mangarap.
Naghahangad ng kaayusan at kapayapaan.
Gustong magpunyagi!
May adhikaing nais makamtan!
 
Nais kong mapasakamay ang dapat ay akin!
 
Ang yaman ng mundo ay hindi nakakonsentra sa kamay ng iilan lamang!
Ikaw at ako ay may karapatang mag angkin ng ari-arian…
Ng bahay…
Ng lupa…
Hindi lamang sa paso…
 
Ang yaman na ito…
Na walang humpay na inaabuso…
 
Tayong lahat ay may karapatang kilalanin saan mang dako ng mundo
Bilang isang tao.
Hindi bilang…
Aso…
Pusa…
Ibon…
Isda…
Baboy…
Kalabaw…
Langaw…
O lamok…
 
Ano man ang ipangalan mo,
Sa harap ng batas,
Ikaw at ako,
Ay isang tao.
 
Karapatan ko ang pangangalga nito.
Karapatan ko ang mapag-ukulan ng mabisang lunas ng hukuman nito
Ito ang aking takbuhan
Sa panahong may gawang lumalabag sa aking pangunahing karapatan.
 
Hindi ako papailalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil, o pagpapatapon.
Karapatan kong makasiguro.
Sa pagkakaroon ng hukumang may makatarungan at hayag na paglilitis.
Hukumang walang pinapanigan.
Gumagalang.
 
Tayo ay likas na halohalo
Hindi mais con yelo,
Hindi saging con yelo.
Tayo ay halohalo.
 
Iba-iba ang ating pinagmulan…
May mayaman…
May mahirap…
May mayaman daw…
May edukado…
May no read no write…
May under grad…
May dropped out…
May shunga shunga…
May fashonista…
May jologz…
May bakla…
May lesbiana…
May bisexual…
May transgendered…
May bading…
May bianing…
May tomboy…
May tunggril…
May Tivoli …
May vaklush…
May badinggerzi…
May babaeng mukhang bakla…
May operada…
May relihiyosa…
May chismosa…
May mahadera…
 
At kung ano ano pa!
 
Marami man tayong pagkakaiba…
Saan mang panig ka ng mundo isinuka…
Nananatili ang isang hubad na katotohanan…
Tao ka!
May karapatan!
 
Tayo ay may karapatan
May kalayaan
 
At dahil doon…
Tayo ay may responsibilidad.
 
Tayo at ang ating salita at galaw ay iisa…
 
Lahat ng kalayaan at karapatan ay may naka-ukol na karampatang responsibilidad. Tayo ang nagtatakda ng kaganapan sa ating panloob at panlabas na kamalayan. —-Tayo ay iniluwal na tao at yayao’ng tao.
 
Tayo ang magpapalaya sa ating sarili.
Tayo at tayo lamang.
 
Maging sa pagharap sa kawalan… matagpuan lamang ang nagahasang karapatan……..

17 Comments »

  1. jay-r lumbo Said:

    waaaaaaaaaaaah….

    ang haba!!!! ang tindi mo teh…

    magaling magaling magaling…

    kailangang ipag-laban ang karapatan ng bawat mamamayan
    tama dapat ngayon na…

    tama….

    tama….

    time ako mag-out na ako…

    baka lalo lumaki bayarin ko dito..

  2. erika Said:

    it so nice…..love it!

  3. Irene santos Said:

    human rights a myth unless poverty is alleviated.. much rhetoric has been said about human rights, but where are we?

  4. mariz c. briñas Said:

    korek!!! asan na ang sinasabing “freedom of expression,” tila unti-unti ng nababawasan ang ating mga karapatan. karapatan na nakasulat sa bill of rights at declaration of human rights. mga karapatan na nagmula sari-saring batas at “bill” na ngayon ay binabago, inaalis at binabawasan na rin sa pamamagitan din ng batas. wala na ba silang alam gawin kundi ang bumuo ng batas???? puro gastos, kaninong pera ba yun? di ba kay kawawang si juan dela cruz na sa konting pagkakamali siya rin ang pagmu-multahin at makukulong? ayoko na!!! mas nananiisin ko pa na maksama ang ating mga kapatid na naghahangad ng pagbabago ng sistema. sa dako pa roon na may pagkilala at pag-respeto sa karapatang pantao.

  5. Red Candelaria Said:

    Kasamang Mariz,

    Matagal ka ng hinihintay ng mga dating kasama para sa pagbabago. Ang bayan ay naghihintay sa iyong matapat na paglilingkod at pakikibaka para sa kalayaan…

    STR

  6. gin Said:

    This site gave me lot of information. Sana lot of people will be inspire to do more for our country.More power!

  7. val Said:

    salamat ng marami. salamat

  8. adrian Said:

    wala akong naiintindihan

  9. lara I. Said:

    Its so nice! KIlalanin natin dapat ang ating mga karapatan dahil tayo lang ang kawawa pagdating ng panahon.

  10. eric Said:

    mrami akong nintindihan tungkol sa ating mga krapatan at dapt nting gwin sa buhy……..

    THX! to you sna mdami png mkabasa nito.

    ***TcCwC***

  11. eric Said:

    ADRIAN vov k pla!!!!!!!
    Hndi k pla tao hayop ka hndi k nkakaintindi…….

    RANGRANGERS k pla..

  12. diether jay Said:

    ADRIAN vov k pla!!!!!!!
    Hndi k pla tao hayop ka hndi k nkakaintindi…….

    RANGRANGERS k pla.

  13. diether jay Said:

    ang kulit

  14. christine Said:

    Thank you nagkaroon ako ng assignment dahil sa article mo

  15. jhomz Said:

    “..marami tayong nais hindi lamang para sa ating sarili kundi narin para sa ating kapwa… binigyan tayo na kanya-kanyang pag-iisip. may karapatan naman tayo para gamitin. ngunit kung ang mismong syang ating tinatakbuhan para sa mga kapatang ating ipinaglalaban ay talamak din sa katiwalian… may pag-asa pa kaya na ang iyong ipinaglalaban ay makamit mo sa malinis na paraan??? …

    hay! kawawa naman si juan… iilan na lamang ang kaibigan ngunit alanganin pa upang pagtiwalaan… sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko… isa lang akong simpleng mamamayan ngunit naghahangad din naman ng katiwasayan para sa bayan…

    ……………………………………………

    marami pa siguro akong hindi nalalaman ngunit ibinabahagi ko lamang kung ano ang nasa aking isipan… maraming salamat po!

  16. nakaka inspired naman yan


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: