Pag-alis sa Tanikala

Pag-alis sa Tanikala

Ni: Ma. Dana Evangelista

Pagdating ng takdang panahon, bubuo tayo ng kaniya-kaniyang pamilya: pamilyang bubuo ng ating pagkatao. Pamilyang sa iba ay siyang nagbbibigay ng tunay na kahulugan ng kanilang pamamalagi dito sa mundong ibabaw: pamilyang bagaman maraming hilahil ay tunay naming napakasaya.Ngunit kung ang mapapala naming mga kababaihan ay bugbog na katawan, nangingitim na mga mata, panggigipit sa pinanasiyal, maging pamimilit na makipagtalik, parang pipiliin ko na lamang na tumanda ng mag-isa.Araw-araw na pag-aasikaso, pagharap sa mga labahin at mga plantsahin, pagluluto ng mga masusutansiyang pagkain para sa pamilya, pamamalengke ng mga mura ngunit may kalidad na produkto, paninigurado na ang mga anak at asawa ay ligtas sa anumang sakit, bukod pa rito ang walang katapusang pagmamalasakit at pagbibigay kaligayahan at puspusang suporta sa mga anak at asawa- gampanin ng isang ina. Nakakalungkot na sa kabila ng hindi mabilang na kabutihang ginagawa ay pulos sakit dala ng pananalita, pisikal na pang-aabuso at emosyonal at mental na panggagambala ang kaniyang napapala.Hindi ko naman sinasabing lalaki lamang ang nakakapanakit ng kanilang asawa. Sa katunayan may mga naitala na ring kaso na ang agrabiyado ay ang mga kalalakihan. Ngunit sa ating buhay na diniktahan ng lipunan- na ang mga kalalakihan ang siyang mas malalakas, mas maraming gampanin o mas marunong kaya- ang lalaki ang mas namamayani.“Kung ang aking asawa ay wala sa impluwensiya ng alcohol siya naman ay mapagmahal sa akin.”“Sinaktan niya ako sapagkat ako ay may kasalanan.”“Mas nanaisin ko ng magkaroon ng isang sadistang asawa kaysa wala. Wala kasing tutustos ng pangangailangan ko pati ng aking mga anak.”Good wives and Nice girls don’t get battered”Kung sinasabi mo na sa iyong sarili ang nasa itaas, nakakaranas ka na ng “Battered Woman Syndrome.” Ayon kay Dr. Leonore Walker, prominenteng sikolohista sa larangan ng pag-aaral hinggil sa mga battered women, ang pagiging battered woman ay cyclical o paulit-ulit lamang. Kung pinababayaan ng babae na siya’y saktan ng lalake, mauulit lamang ito ng mauulit at ang resulta ng pananakit ay palala nang palala.Ayon sa Philippine National Police, 53.6% ng naitatalang kaso o 8,011 ay napapatungkol sa pambubugbog ng lalaki sa kaniyang asawa (2003). At 1 sa bawat 3 kaso, ang may sala ay ang mismong asawa nito.Nakakalungkot isipin na ang nagsumpaan na magmamahalan ay paghihiwalayin ng karahasan.May dalawang mahalagang dahilan akong nabuo kung bakit sa kabila ng pambubugbog ng asawa ay nananatili pa rin ang mga kababaihan. Una, takot para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga anak. Pangalawa, nahihiya para sa magiging tugon ng lipunan.Takot? Hindi dapat na katakutan ang mga pagkakataong ito. Dapat na lakasan ang loob. Kung hintakutan ma’y hindi dapat ito mangibabaw sa iyong pagkatao. Hindi dapat matakot sapagkat may mga batas na mangangalaga sa iyo. Isa na riyan ang R.A. 9262 o ang ANTI VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN.defined as any act or SERIES OF ACTS committed against the victim which results in or is likely to result in PHYSICAL, PSYCHOLOGICAL,SEXUAL, OR ECONOMIC ABUSE, including treats of such acts, battery, assault, coercion, harassment, or arbitrary deprivation of liberty.Mayroon ding mga organisasyon na handing tumulong sa iyo. Ilan na riyan ang DSWD, NATINAL COMMISSION ON THE ROLE OF FILIPINO WOMEN, CIVIL SERVICE COMMISION, COMMISSION ON HUMAN RIGHTS, DOJ, DILG, at marami pang iba.Kung mayroon mang dapat na matakot iyon ang taong nanakit.Lipunan? Mangangaba ka siguro sa sasabihin ng lipunan na ang anumang suliranin sa pamilyaay pamilya rin lamang ang makalulutas. Totoo ito sa ibang aspeto ngunit kung mayroon ng pananakit na nakapaloob, ibang usapan na ito. Magiging panlipunang isyu na ito. Hindi mahalaga ang sasabihin ng ilan ang mahalaga ay makaalis sa tanikala ng malupit na asawa.Bilang asawa, hindi dapat siya nagpapaalila sa kaniyang kabiyak bagkus dapat siyang maging PARTNER. Dala-dala ang kalahati ng mga pasanin nito sa buhay. Walang suliranin sa pamilya na hindi nasosolusyonan kung mag-uusap lamang. Mahalaga ang gampanin ng komunikasyon sa usaping ito. Sabi nga ni Ustadz Ali Bud, pinuno ng isang tribo sa
Baguio, “Women are partners of men not only as wife but also for development.” Sa magkaalinsabay na pagtutulungan ng mag-asawa, magkakaroon ng isang kapaligirang kaiga-igaya para sa kanila at para sa kanilang mga anak.
          Bilang ina, nararapat lamang na magsilbi silang modelo. Walang ina na nagpapaabuso at hinahayaan na lamang na yurakan ang kaniyang pagkatao sapagakat kung magkakagayon ang mga anak ay lalaking takot at mababa ang tingin sa sarili. Ika nga ng ating Pambansang bayani “Walang pag-unlad na magaganap kung ang kabataan ay nagmula sa mga inang hindi kayang ipaglaban ang nararapat.” Kung anuman ang ugali at biheybyor ng anak sa pagtugon sa kaniyang kapaligiran ay nasasalamin kung paano siya pinalaki ng kaniyang ina. Bagaman hindi ko sinasabing ina lamang ang may kamalian ngunit siya lamang kasi ang naggugol ng kaniyang mga oras kasama ang kaniyang mga anak. Kaya naman malaki ang gampanin ng isang ina. Dapat niyang palakihin ang kaniyang mga anak na may integridad at responsableng mamamayan na hindi magiging dagdag pasanin ng kaniyang lipunang ginagalawan.          Bilang isang mamamayan, dapat niyang malaman na siya ay kapantay sa karapatan ng iba pang nilalang. Nararapat lamang na alam niya kung papaano ipaglalaban ang mga karapatang ito. Kung naabuso man, huwag matakot na idulog ito sa maykapangyarihan dahil may batas na nangangalaga para sa kaniya. Kapag pinalagpas ito, magpapatuloy lamang ang pang-aapi.          Bilang isang tao, una sa lahat, dapat niyang mahalin ang kaniyang sarili. Ika ng sa kasabihan, “Hindi niya maibibigay ang wala siya”. Kailangang makatagpo siya ng kaligayan sa buhay, fulfillment nga kung tawagin. Hindi siya makakapagbigay kaligayahan sa iba kung siya ay hindi naman masaya. Alagaan ang sarili. Minsan lamang ang ating buhay. Hindi na maaaring bumalik kapag nawala na. Kaya nararapat na igugol ang sandali ng iyong buhay sa tamang kapareha. Life is too short to waste on the wrong one. Ang buhay ay hindi lamang lipos ng paghihirap, pagsasakripisyo at pagtatrabaho, karapat-dapat na bigyan ang sarili ng tamang oras upang maglibang, magmuni-muni at magsaya.          Ang Wife Battering ay hind lamang problema ng pamilya bagkus suliranin ng buong lipunan. Dahil sa ito ay ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng lipunan. Isa ito sa mga kanser ng lipunan na dapat ng gamutin.Hindi totoo na kung mahal mo ang iyong asawa ay hindi masama nag pambubugbog. Amg pag-ibig ay positibo sa anumang anggulo. Hindi nito hahayaang may masaktan, ni magalusan man lamang. Love is never jealous. Kung mahal mo ang isang tao, pag-usapan anumang suliranin. Love is never blind. Nakikita nito ang katotohanan. Walang battering kung mayroong love.

19 Comments »

  1. Vanessa Karen Fajardo Said:

    Girl Power shine!!!
    Gandang topic!
    Katarungan para kay Nicole!!!

    The issue here is ‘sexism’. Guys think themselves like God. Lalake daw ang superior dito sa mundo at marami sa kanila ang umaabuso dahil dito. Sana mabigyan ng pansin ang mga issue tungkol sa batterd wife at women and children rights. Dumarami kasi ang mga kaso tungkol dito. Job well done!!!

  2. Irene Said:

    Yes women rocks!!!!!

  3. jay-r lumbo Said:

    sexism… seksimo…

    astig to… dis time ill use my feminine side…

    aminado ako namarami sa mga kalalakihan ang masyadong mapagmataas when itcomes to sexism… well masasabi ko lang they suck… tignan mo nga naman… maxado na silang mapang abuso… ang dapat sakanila…lutuin!!!!!

    may nakapagsabi din sa akin na its amans world daw… babae siya… i dont believe that this is a man’s world… nasan ang equality dun?
    bakit kaya hindi na lang natin sabihing it’s he and she’s world…

    nice work ms.dana

  4. Katigbak, Karla Elaine Said:

    Well, ang ganda ng topic mo! totoo at sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. Pero para sa akin ang pambububog ng asawa at pang-aapi nito sa babae ay nakadepende parin sa kung papaano pahalagahan ng babae ang kanyang sarili. Dahil kung ikaw bilang isang babae ay may malasakit sa sarili at iginagalang mo ang sarili mo ay malayong apihin ka ng iyong asawa bagkus igagalang kaniya. Gusto ko yung sinabi mong “hindi niya mabibigay ang wala siya”

  5. Gerald Valhet Mesina Said:

    ahahahahahahaha

    maganda nga yan for the girls …….

  6. lea baluyot Said:

    Wow women power ito! I admire the author as in. Nice article but personaly i dont believe nicole ewan ko lng ha bsta nsa sten mga babae naman yung ikakapahamak naten eh.

  7. i still believe that the proper punishment for abuse against women is castration…. hahahahaha…🙂

    go girls… its your world.. live it, love it.
    —————————————–
    http://www.richard24.tk

  8. manelle Said:

    Fight for change, work for it!

    Be brave to face the reality of life!

    You are the one who is responsible on what will happen to you.

    Use your girl power, be confident!

    Good job!

  9. ralph julious villamor Said:

    hmm.. kilala ko ata tong topic na to’ ah.

    hehe.

    the topic was handled quite well, but still, as a man, and being a fair man, it is a little bit biased for to the girls is hould say.

    but thats okey ur a woman thats unavoidable!

    wag lang kita makita nagpapabugbog sa asawa mo hehe

    nice dana!

  10. josephine lucero Said:

    Mahusay at tunay na kahanga-hanga ang pagkakasulat ng artikulong ito. Nagkaroon ako ng malawak na kaalaman at malalim na pang-unawa ukol sa mga “battered women.” Binigyang diin ng tagasulat ang lumalalang pang-aabuso sa mga kababaihan na siyang nagbibigay ilaw sa madilim na bahagi ng lipunang ating ginagalawan.

    Saludo ako sa matatag na pag-sulong at paglaban ng awtor para sa karapatan ng mga kababaihan.

  11. kris John Said:

    the content is real brilliant…
    well researched…. hahaha….. xmpre..

    sexism!!!!

    it’s just a matter of co-existence…

  12. melanie aldeon Said:

    battered wife…
    well, my nabasa akong article, comparison un ng battered wife at ung experiment sa isang daga..kinulong ung rat sa isang steel cage tapos ung food and drinks niya may kuryente, natural lng n kapag lumapit ung daga s food at kainin ito, makukuryente ixa,…pero patuloy pa rin siyang lumalapit dun kht pa binuksan n ung pinto ng kulungan niya para makalabas n xa..nanatili xa s loob, kht lagi xang nakukuryente at nasasaktan s paglapit s pagkain, d niya iniinda iyon sapagkat alam niyang iyon ang kailangan niya para mabuhay….
    it’s just the same thing dun s battered wife…kaya mayroong mga ganito kc kht cnsktan n cla, d p rn nla mgawang iwan ang kanilang pamilya, na para sa kanila ay kanilang buhay…..

  13. 2nel_sanchez Said:

    wheeeww…may kahabaab un ah….khit panoon ay mababa ang tinginng lipunan s kababaihan pero xempre…magpapatalob tayongmga girls….isapasmgatreasonkungbakitnag aarise ang batteringeh…karamihan s mga love nglalaki sa kanilang asawa eh selfish love na…sarililang nila ang inuuna….it happans kasi may mga babae napumapayag na maapakan ang kanilang karapatan…to all women…girlz…gals….mga mare….wag tau pumayag na maapi….stand straight…chin up…cheer up….go go go…..
    godbless…(“,)

  14. salome saro Said:

    hahahaha!!!!!!!!!!!
    cenxa na ngaun lang nkblik…
    friend kohhh…
    isa kang tunay na babae!!!!!!!!!!!!!
    wahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    makababae pala……
    anywaysssssssssssss………

    battering, battering, battering,,,
    wala lang lyk ko lng ulitin

    sa kin RESPETO lang…
    kahit magbgo man ang pakikitungo nyo sa isat isa
    balwalain lahat ng pngsamhan nyo
    sana man lang maicp nyo n TAO yang sinasaktan nyo…..>>>>>

  15. kristine tyrol Said:

    utng n loob p din nten s mga llke y we exist remmber the x en y chromosomes?

    lecheng history yn eh…

  16. Great site and interesting reading

  17. herson Said:

    ako man ay hindi rin sang ayon sa pambubugbog ng mga asawang lalaki o babae sa kanikanilang asawa lalon na kung madadamay ang kanilang mga anak…kailangang bigyan ng halaga at ibayong pag-iingat ang mga bata upang hindi maapektuhan ang mentalidad, sikolohikal, sexual at pisikal na aspeto ng mga bata….kailangang ipaglaban ang karapatan ng mga bata para sa kanilang kinabukasan.,.,…labanan ang mga mapa-abusong tao sa lipunang ito..na syang sumisira sa buhay at karapatan ng sanlibutan…

  18. Mark Said:

    Di nyo lang alam, na marami rin mga lalaki ang inabuso ng batas na ito RA 9262. Tulad ko, naghahanap buhay ng maayos, nawalan ako ng trabaho dahil sa financial support law na ito na ibinigay ko naman… pero sobra… ngayon, anong makakaing ng mga anak ko… putang-inang law ito… unfair

  19. Ms.virgo Said:

    1 po ako s cnasaktan ng asawa n0 po dpt kung gwin?tnx


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: