HINDI LANG PANG-PULITIKA, PANG-SPORTS PA!

January 4. 2007: Thursday 

HINDI LANG PANG-PULITIKA, PANG-SPORTS PA!

MELANIE P. ALDEON
 
            Masyadong mapulitika ditto sa ating bansa. Kahit saan natin idako ang ating mga mata, bawat makita natin ay nagpapahiwatig nito. Mga paaralan, tulay, lansangan at iba’t ibang establisyamento na pawang may mga pangalan ng taong nagpaggawa ng mga ito.
            Tama- ang mga pulitiko ang may gawa. Sila ay walang sawang nagpapalawak ng kanilang teritoryo para sila’y maging mas makapangyarihanat di maalis sa pwesto.
             Kaya naman hindi imposibleng pasukin ng pulitika ang larangan ng sports. Dahil nga sa kakulangan ng pondo at suporta ng gobyerno sa ating mga atletang Pinoy, may mga ilang pulitiko ang nagbibigay kuno ng kanilang mga tulong pinansyal. Mga nagpapabango lang naman ng pangalan dahil ang mga sinasabi nila’y press releases lamang.
             Hindi naman talaga mawawala ang pulitika sa sports sapagkat may ilang mga namumuno rito na may kaugnayan sa pulitika.
              2006- Masasabing magandang taon para sa larangan ng sports sa ating bansa. Maraming torneo ang naganap sa taong ito na ang ilan ay napagwagian ng mga kababayan nating Pinoy habang sa ibang kumpetisyon ay hindi rin naman umuwing luhaan ang ating mga atleta.
              Dahil nga sa tagumpay ng mga ito, nasaksihan na naman natin kung paano pinasok ng pulitika ang sports. Nariyan ang isyung mas binibigayn ng special treatment ng administrasyon at ilang pulitiko si Pacquiao kaysa kay Reyes at iba pang atletang Pinoy gayung pare-pareho lang naman silang nag-uwi ng karangalan sa bansa. Oo nga’t kesyo nagpapahayag lamang sila ng paghanga at pagmamalaki dun sa tao, pero hindi nman tanga ang mga Pinoy! Hindi nga ba? Alam natin kung ano talaga ang motibo ng mga pulitikong iyon. Ginagamit nila ito para sa kanilang pansariling interes. Panghakot ba ng suporta ng mga tao lalo na’t malapit na naman ang eleksyon.
             Isa-isahin natin ang ilan sa mga malalaking pangyayari sa sports na nilahukan ng mga kababayan nating Pinoy sa loob at labas ng bansa at silipin natin kung paano iro napasok ng pulitika.
             Enero,2006-rematch nina Manny Pacquiao at Erik Morales. Matatandaang sa una nilang paghaharap ay nagwagi si El Terible kaya naman gustong bumawi nitong si Pacquiao na siya namang nangyari. Na-knock-out niya ang Mexicano!
              Matapos ihayag ang kanyang pagkapanalo, aba, nagsiakyatan na rin sa ring ang ilang pulitikong tuwang-tuwa sa kanyang tagumpay. Hindi yata mawawala sa mga laban ni Manny itong si Gov. Chavit Singson. Malakas ang kanyang pagsigaw ng “Manny”, “Manny” o ito kaya’y “Money”, “Money”!?! Hahaha…Malaki yata ang pusta nitong si Gob!
               Pagkauwi sa Pilipinas, malakas ang ugong ng balitang tatakbo raw si Pacquiao bilang Vice-Mayor ng Lungsod ng Maynila. Akalain ninyo ‘yun! Lalo pang umingay ang isyung ito nang magpa-register siya sa nasabing lungsod. Katwiran naman ng dakilang Ama ng Maynila, “adopted son” daw si Manny! Hindi naman niya kinumpirma ang nasabing isyu. Nakakatawa lang isipin kung sakali mang totoo ito. Hindi nman sa nangmamaliit, lahat nman tayo ay may karapatang tumakbo sa isang posisyon sa gobyerno bsta ba kwalipikado tayo eh, subalit dapat din naman nating alamin kung saan tayo dapat lulugar at kung saan tayo mas mag-e-excel. Kung sa boksing, eh di dun na lang. Tutal nagbibigay-karangalan siya sa bansa sa larangang iyon. Huwag nang magpadala sa mga sitsit ng mga pulitikong nakapaligid. At ang mga ito nman, tigilan na sana ang paglason sa isipan nung tao.
                 Aba!anung nalalaman ng isang boksingero sa pagpapalakad ng isang lungsod? Alin, yung pamatay niyang “left hook” ang gagamitin sa pagsugpo ng mga kriminal? Sa ilang round niya mapapaunlad ang nasasakupan? Payo lang, gamitin na lang niya ang maganda at mabilis niyang footwork sa pag-iwas sa mga BI na pulitiko!
                Mach 17- nang unang marating ng isang pinoy sa katauhan ni Leo Oracion ang tuktok ng pinakamataas na bindok sa buong mundo, ang Mt. Everest. Sumunod sa kanya ang dalawa pang kasamahan sa Phil. Mt. Everest Team na sina Pastor Emata at Romi Garduce. Malaking karangalan ito para sa bawaty Pilipino sa buong mundo. Hindi biro ang pinagdaanang hirap ng grupong iyon para makamit ang inaasam na tagumpay. Ganyan talaga ang Pinoy-hindi sumusuko hanggat di nakakamtan ang nais.
                  Gaano ba kalaki ang suportang ibinigay ng pamahalaan sa grupong iyon, morally at financiall? Mukhang kulang pa rin, parang may masabi lang.
                    Isunod natin ang IPT kung saan ito’y napagwagian ni Efren “Bata” Reyes. Tumataginting na $500,000 o P25M lang naman ang premyong naiuwi ng tinaguriang “The Magician”! Ito ang pinakamalaking prize money sa buong kasaysayan ng bilyar.
                    Pagbalik niya dito sa Pinas, wala ang pagsalubong ng tulad ng kay Pacquiao na sa airport pa lang ay sinalubong na ng ilang mga kapit-tukong pulitiko. Kumbaga sa bilyar, bad shot na, scratch pa ang mga ito! Ang sarap sarguhin di ba?
                     Nang kapanayamin naman si Bata tungkol dito, sinabi niyang wala nman iyon sa kanya at hindi na mahalaga kung wala mang red carpet na pagsalubong.
                     Isa pang torneo na napanalunan ni Bata kasama ang kumpareng si Francisco “Django” Bustamante ay ang World Cup of Pool (9-Ball). Sila ang nagkamp[eon dito laban kina Earl Strickland at Rodney Morris ng Estados Unidos. Si Morris din ang nakaharap ni Bata sa kampeonato ng IPT.
                     Dahil sa malalaking tagumpay at karangalang naiuwi sa bansa, hinirang si Reyes ng Time Magazine bilang isa sa Asian Heroes sa larangan ng sports kasama pa si dating Pangulong Cory Aquino at ibang kilalang personalidad mula sa ibat’ ibang bansa sa Asya.
                     Isa pang Pinoy na nakasama sa listahan ng mga “World Champion”  sa larangan ng bilyar ay si Renato “Ronnie” “Calamba/Volacano” Alcano nang kanyang makopo ang titulo sa World Chjampionship na ginanap dito mismo sa Pilipinas. Marami ang nagulat nag talunin niya si Bata nang sila’y magkaharap at umabante sa susunod na round papalapit sa kampeonato. Natabunan din niya ang pangalan ng mga kilalang manlalarong Pinoy tulad nina 2004 World Champ Alex “The Lion” Pagulayan,  Francisco “Django” Bustamante, Marlon Manalo, atbp.
                      Nakakalungkot lang isipin na dito na nga mismo ginanap ang torneo eh parang wala pa rin sa gobyerno. Ni hindi yata naramdaman ng ating mga manlalaro ang suporta mula rito. Kahit mga pa-”soft break” man lang, wala.
                      Nob. 19- ang “Grand Finale” ng Pacquiao vs Morales. Ilang buwan pa bago dumating ang laban, ito na ang naging laman ng balita sa radyo, dyaryo at telebisyon. Ilang pulitiko na rin ang umeksena na nagsabing si Pacman ang tiyak na mananalo. Nag-uunahan pa yata sa pagpapa-interview! Tsk tsk tsk. Maaga na ring naghanap ng kapustahan ang ilan.
                       Ang tagal inabangan, subalit mabilis namang natapos ang laban. Hanggang 3 rounds lang! laking hinayang siguro ng mga taong dumayo pa ng panonood sa ilang sinehan para live na mapanood ito spagkat bumayad pa sila ng P500, P700 o higit pa para dito. Ni hindi pa yata nila nauubos ang kanilang popcorn eh tapos na!
                        As usual, andun na nman si Chavit, at ang GMA, nag-phone call agad! Tuwang-tuwa na naman ang mga kapit-tukong pulitiko. Nag-parade na nmn pag-uwi ni Pacman sa Pinas!
                         15th Asian Games- akala ng marami ay wala nang maiuuwing medalya ang Pinas dahil naging mabagal ang kampanya ng ating mga atleta sa mga unang araw ng palaro. Ilang araw na lang bago matapos nang makasungkit ng gintong medalya ang bansa at mapasama sa medal list. Sa pagtatapos, ika-18 ang Pinas (4 golds, 6 silvers, 9 bronzes) mula sa 45 bansang lumahok.
                        Nakakalungkot at nakakaawa ang nangyari sa mga atletang Pinoy sa Qatar(pinagdausan ng palaro). Wala yatang matinong pagkain at tulugan. Hiraman pa sila ng mga gamit. Tulad na lang ng mga gold medalists na sina Joan Tipon at Violito Payla na naghihiraman pa ng boxing shorts tuwing sila’y may laban. Mabuti na lang at may sponsor ang mga manlalaro ng bilyar na siyang sumagot sa lahat ng mga pangangailangan ng mga ito.
                           Nasaan na ang suporta ng gobyerno sa mga atletang Pinoy? Meron ba o wala? Kung meron, di naman sapat at mismong sa bibig na ng mga atleta nagmula na kulang pa at halos di nga nila maramdaman! Sana naman makita ito ng mga kinauukulan. Mahuhulu at mahuhuli tayo nyan sa larangan ng sports kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran. Kailan ba nila bibigyan ng ibayong pansin at importansya ito?
                        Apat na ginto lang ang naiuwi ng ating mga atleta ngunit ito’y dapat nang ipagmalaki dahil sa nakalipas na taong paglahok ng bansa sa ASIAN Games, ito ang ikaapat na pinakamagandang pagtatapos na ang huli ay noong 1962.
                         Dapat nating ipagmalaki ang mga atletang buobng-pusong lumaban para mabigyan ng karangalan nang bansa. Sila ang mga tunay na nagsakripisyo para sa ating bansa dahil wala silang premyong matatanggap sa kanilang nilahukan maliban sa insentibong ibibigay ng gobyerno.
                       Sila ang tunay na matatawag na bayani ng bansa sa larangan ng sports hindi tulad ng iba na malaki ang kinikita kapag napapasabak sa laban. Mas dapat na mabigyan ng pagkilala ang mga atletang sumasabak sa Asian games at Sea games. Wala silang perang pinaglalaban dito kundi medalyang iuuwi bilang karangalan ng bansa.
                     Si FG, nagbigay ng P1M insentibo sa mga nakapagsubi ng gintong medalya. Para sa aki, mali ang ginawa niyang ito. Dapat,a ng salaping iyon ai ibinigay niya na agad sa PSC nang sa gayon ay magamit sa pagbili ng mga equipments para sa paggsanay ng mga atleta at mapadala ang mga ito sa ibang bansa para sa mas mahusay na training. Aminado naman ang komisyon na kulang sila sa pondo. Gaano man angh pagnanais ng ating mga atleta na makapag-uwi ng gintong medalya ay mahirap pa riong gawin sapagkat nahuhuli sila sa ibang bansa hinggil sa mga ginagawang pagsasanay. Wala tayong mga makabagong equipments na magagamit para mapadali at maging mas mabisa ang pagte-training ng mga ito.
                   Makita sana ng mga mambabatas na kung susuportahan lang nila ng mas malaking badyet ang sports, lahat ay makikinabang.
                   Ang pinakahuling isyu na maagang pamasko ay ang pagkakasundo nina Sen. Jinggoy Estrada, pangulo ng BAP, at manny V. Pangilinan para sa muling pagbabalik sa eksena ng Phil. Basketball sa taong ito. Naganap ang kasunduan noong Disyembre 22 sa Hongkong.
                   Matatandaang nagkaroon ng kaguluhan at di pagkakaunawaan sa pagitan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) at Phil. Olympic Committee (POC) noong nakaraang taon na humantong sa pagsuspindi ng Int’l Basketball Federation (FIBA) sa Pilipinas sa int’l competitions. Nagbitiw din bilang pangulo ng BAP si dating senador Joey Lina at si Estrada nga ang pumalit.
                   Dahil sa suspensyong ito, hindi nakalahok ang bansa sa basketball sa Asian games.
                   Batay sa napagkasunduan, magiging chairman ng Samahang Basketbol ng pilipinas (SBP) si jinggoy habang pangulo naman si MVP. Samakatwid, bubuwagin na ang BAP. Baka magkaroon na nman ng kaguluhan dahil siguradong di papayag ang ilan sa mga kasamahan ni Jinggoy sa BAP. Huwag naman sanang maggapangan pa sa pwesto. Tutal, may mga ilan pa rin naman sa kanila ang magiging opisyal ng SBP. Ika nga ni Jinggoy “sacrifice move” ang ginawa niya at sana’y maunawaan ito ng kanyang mga kasama. Magkaisa na lng at magtulunganpara sa pagsulong ng basketball sa bansa. Tigilan na ang pamumulitika!
                  Kung magiging maganda ang takbo ng kasunduang ito at tatanggalin na ang suspensyon ng FIBA sa Pinas, makapagpapadala na tayo ng kinatawan ngayong taon sa SEABA-qualifying meet para sa ABC na qualifying event nman para sa 2008 Beijing Olympics.
                   Sana nga ay magkaroon na ng magandang resulta ang kasunduang ito. Maraming Pinoy ang tiyak na matutuwa dahil maraming nagmamahal sa basketball.
                     Natunghayan na natin ang iba’ty ibang isyu sa sports at pagkakaroon ng pulitika rito.
                     Nawa’y tigilan na ng mga pulitikong ito ang ginagawa nilang di nakabubuti sa sports sa bansa. Gampanan nila nang marapat ang kanilang mga tungkulin. maglingkod sila sa bayan. Gumawa sila ng mga hakbang para sa ikauunlad ng sports sa bansa. Huwag silang manggamit ng mga atleta o manlalaro para sa pansariling interes. Huwag silang maghanap ng swete sa mga ito.
                     Kung gusto talaga nilang swertihin sa kanilang political career, bakit di nila gayahin si Bata na hindi naliligo tuwing siya’y may laban kaya nman nananalo siya! O ano, wag na lang kayong maligo kung wala rin nmang mababago sa inyo!! Bagong Taon na, magbago na tayo….
                     Happy New Year!!!

About these ads

1 Comment »

  1. loser Said:

    the ugliest site on earth


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: